TATAY KA NA BA?

Parekoy, tatay ka na rin ba tulad ko?
O kaya naman eh nagpa-planong maging tatay?
Pwede rin namang feeling tatay lang.

Kung YES ang sagot mo, pwes congrats brad at welcome to “tatay club”.
Kung ang mga beki nga ambilis mag multiply tayo pa kaya.
Parami na tayo ng parami. Hehehe!

Peace sa mga kaibigan kong beki diyan.

Alam naman natin lahat na ang pagiging tatay ay di basta biro lang.
The moment you become a dad, there are lots and lots of responsibilities and obligations na kaakibat nito.

Responsibilidad bilang ama at syempre bilang asawa.

Napakaraming kabataan ngayon na sa murang edad eh nagkakaroon na ng sariling pamilya. Well, di ko naman sila masisisi kasi kagustuhan nila yun. Maybe dala ng kapusukan kaya nabubuntis or nakakabuntis ng maaga.

My point is that if you are not yet ready emotionally & financially to start your own family, dude I’m telling you STRUGGLE IS REAL.

Nag asawa ako at the age of 26 and nagkaanak ng 27 ang edad.

I can say nasa marrying age naman na ako compared sa maagang nag-aasawa na 18, 19 or below 20. Well, swerte ako kahit papano, may natapos ako na kurso at licensed nurse ako, RN ika nga nila. Marami akong kaibigan na meron ng anak at di ko maiwasan mapaisip at syempre maiinggit na rin.

Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng sariling anak?

That’s one of the questions running into my mind nung kasagsagan pa ng kabinataan ko.

Nasulit ko naman kahit papano ang pagiging binata ko.

Tropa dito tropa diyan.
Inom dito, tambay diyan, yosi, gimik, party, chix, at jamming sa tropa or kaibigan. Papasok sa work, pag off at wala pasok eh lalabas kasama tropa. Normal sa kabataan yan eh, mga ganyang lifestyle at syempre alam kong nakaka relate ka diyan.

Ang sarap diba?

Wala kang ibang iniisip kundi sarili mo lang.
May work ka naman so may pambili ka ng kung anong gusto mo.
Ambag ka ng kaunti sa mga gastusin sa bahay kasi syempre nakakahiya naman kay mommy or daddy diba.

May trabaho ka pero hindi mo man lang magawang magbigay sa magulang. Mahiya ka naman. Haha. Syempre kahit papano mag aabot din  ng kaunti sa parents diba? Gigising kinabukasan may hang-over tapos mag-aaya tropa ayun paspas ulit.

Kung may lovelife ka aba’y mas lalong masaya.
Sogo dito sogo diyan.
Or kung di niyo trip sa labas, eh di sige ‘home buddy” ang peg niyo eh.
Sa bahay na lang pag walang tao.
Simplehan na lang natin pag wala sila.
Alam mo yan dude wag mo na itanggi.
Gawain ko yan at di ako maniniwala na di mo naranasan yan. Haha!

Kung iyong babalikan, ang buhay single eh masaya di ba?
Yan yung buhay ko nung binata pa ako mga brad.

Hanggang sa ayun, may nabuo.
Nasarapan masyado si Kuya at si Ateng eh.
Well aminado ako ginusto ko naman at plinano ko.

Ang iniisip ko that time eh ganito.

“Kung yun ngang mga barkada ko na di naman nakatapos at nasa probinsya lang eh nakaka survive sa araw-araw nung nagkapamilya sila eh, ako pa kaya. Kaya ko naman maghanap ng maayos na trabaho.”

Totoo naman di ba?

 So ayun na nga, si Kuyang malakas ang loob na akala eh ganun lang kadali magpamilya, nagsimula ng mastress.

Akala niyo ba ganun lang kadali magkaroon ng sariling pamilya?
Madali lang gumawa, yun ang walang duda.
Masarap gumawa pero pag andyan na, dude, sinasabi ko, pag hindi ka handa, makakalbo ka at tataas din ang hairline mo katulad ko. Haha.

Pansinin mo yung mga nakakasalubong mo.
Pag may nakita kang medyo napapanot na, una mo isipin tatay na yun.

Seryoso ganyan ako. Kasi I feel them. Alam ko yung pinag dadaanan nila.
Alam ko yung mga iniisip nila.

Kaya shout out sa mga tatay diyan na napapanot or mapapanot pa lang.
Di ka nag-iisa marami tayo brader.

Mapunta na tayo sa usaping pamilya or ang pagiging tatay.

Of course ang nasa top na iniisip ng isang tatay eh syempre paano niya mabibigyan ng magandang buhay ang pamilya niya.

Mag focus muna tayo sa USAPING PINANSYAL kasi isa ito sa importanteng aspeto ng buhay may asawa.

Kung tatay ka na or nagpa-plano kang maging tatay, siguraduhin mo lang na kaya mo suportahan ang pamilya mo. Kaya mo silang pakainin. Kahit yung mga basic needs lang na food, clothing & shelter.

Importante bilang tatay na nabibigay mo yan sa kanila.

Sabi nila diba dapat handa ka na physically, mentally, emotionally, financially, etc. kung mag decide ka na mag settle down. Sa kaso ko parang yung physically lang at mentally ang nag qualify ako, the rest suntok sa buwan na.

I literally started with nothing, zero bank account pero may work naman ako at nasusuportahan ko naman ng pang gatas at diaper ni baby at pagkain namin ng asawa ko.

There are important aspects in our life na dapat natin alamin at pag aralan especially pagdating sa FINANCES.

Napaka importante ng aspetong ito kasi kung di ka didiskarte, magugutom at magugutom ang pamilya mo.

That’s the reason why I named this website diskartengtatay.

This place is intended to share tips at kahit anong diskarte na ginagawa mo para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya mo.

In my succeeding blogs, I will share with you how I started with nothing.

How I educate myself and how I started saving and investing little by little.
Paano ako nakikipag-battle sa mga struggles of being a dad.

Hanggang ngayon naman “struggle is real” pa rin kaya masaya ako na mai-share sa inyo ang mga nararanasan ko.

You can also share your stories as well.

Published by dadi-G

A husband, dad of 2 boys, licensed nurse and a corporate employee who loves writing. Always eager to learn new stuff, ideas, skills, wisdom that will make me a "madiskarteng tatay".

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: