NAPALO OR NASAKTAN MO NA BA ANAK MO?

Naranasan niyo na bang ma-guilty after niyo paluin or masaktan anak niyo? Tipong ayaw mo naman talaga sila saktan kasi mahal na mahal mo sila pero kahit anong pigil mo eh nagagawa mo pa rin? Naka-ilang sabi ka na sa sarili mo na magbabago ka na, na di mo na sila pagbubuhatan ng kamay, kaso ang hirap magpigil eh.

Relate much ba? Tara pagkwentuhan natin.

 Nung mga bata pa kami, madalas kaming mapalo ng nanay ko. Pito kami magkakapatid at di kami mayaman. Midwife ang nanay ko at ang tatay ko ay kapitan ng barangay nung elementary days ko. Di naman ganun kalaki ang sweldo ng kapitan that time at ang midwife naman ay kung walang manganak eh wala ring income. Mahirap ang buhay nung araw at madalas, mainit din ang ulo ni ermats.

Di ko makakalimutan ang mga araw na nalalatayan ng sinturon ang mga binti ko sa tuwing mapapalo kami ng nanay ko. Madalas ang dahilan eh kapag nagkakapikunan kaming mga magkakapatid at mag-aaway. Pag may umiyak na isa, ayan na, damay damay na. Mag-iinit na ulo ng nanay ko at magsisimula ng mamalo. Wala siyang ibang ginagamit na pampalo samin. Sinturon ang pinanghahampas samin madalas at sa totoo lang, masakit siya. Lumalatay talaga sa balat pag naisahan ka. Haha.

Di ako naghihinanakit na pinapalo kami. Mas ok siya in a way na ung pagiging disiplinado ay nainstill sa mga pagkatao naming magkakapatid.

Ngayong matatanda na kami at napagkekwentuhan naming magkakapatid yung mga panahon dati ay natatawa na lang kami. At ngayong may sarili na akong anak, ngayon ko mas naiintindihan ang nanay ko kung bakit siya namamalo.

Ang hirap pala kontrolin ng emosyon lalo na pag “stressed ka”. Sa mundo ng nursing, inaaral namin ung mga “stress coping mechanisms” at isa dun ay yung tinatawag na “displacement”. Eto yung ipinapasa mo ung nararamdaman mo sa ibang tao or bagay. Halimbawa ikaw ay isang manager at under stress, unintentionally, nailalabas mo ung stress at nagco-cope up ka sa stress sa pamamagitan ng pagbubulyaw mo sa empleyado mo, pagagalitan mo, or ippressure mo si empleyado mo.

Gets mo? Tipong humahanap ka ng outlet para mailabas mo ung nararamdaman mo. Parang ganun din pag pinapalo mo ung anak mo. Unintentionally, dahil mainit ulo mo, sa mga anak mo naibubunton ung inis, galit or stress na nararamdaman mo.

At aminin man natin or hindi, di man natin sinasadya, nagagawa natin to sa mga anak natin. Ako aminado ako nagagalitan ko at napapalo ko yung 2 kong anak. I have 2 boys na toddler at alam naman natin na ang edad na to ay age of exploration. Makukulit talaga sila at kailangan mo ng mahabang pasensya at yun ang kapos ako.

Yung limang taon kong anak, may mga times na napapalo ko siya pero di naman sinturon ang gamit ko. Tsinelas na rubber, ung usual na malambot na tsinelas lang. Napapalo ko lang naman pag may ginagawang kasalanan, tipong salbahe mode na talaga.

May mga pagkakataon din naman na may kailangan akong tapusing trabaho at nangungulit siya, at gustuhin ko mang di siya galitan at paluin ay nagagawa ko pa rin.

Ang pinaka common siguro ay yung mga tantrum days nila. I’m sure naranasan niyo na na may gusto ang anak niyo at di niyo naibigay. Dun na siya magsisimulang mag-iiyak. Especially in public places pa. Mapapaimik ka na lang ng “Mamaya ka sa bahay pag uwi natin”.

Siguro may mga taong kalmado lang at may mga tao rin naming bugnutin. Dun yata ako sa bugnutin. Haha.Struggle ko talaga ang magpigil at magpasenxa. Di naman ako yung tipong kahit walang dahilan ay mananakit na lang. Kahit papano naman ay alam ko pa rin at nilulugar ko pa rin naman.

Yun nga lang, talagang mahirap pigilan ang emosyon. Up until now, nasa process pa rin ako ng pagaaral kung pano kontrolin ang emosyon at sikaping maging kalmado lang.

May pagkakataon pa na pinalo na ng asawa ko, ay napapalo ko pa. Marunong na kasi mangatwiran kapag mga toddler age at minsan, yung mga sagot sayo pag kinakausap mo ay pabalang at dun magsisimula uminit ulo ko. Di naman madalas syempre, pag kailangan lang. At dahil dun, inaaway ako ng asawa ko. Sabi nia, pag napalo na daw niya, wag ko na pasegundahan pa. Tama naman siya kaso yun nga, emosyon na naman, hirap ako magpigil.

Anyway, after naman naming siya paluin ay kinakausap namin bakit siya napalo. At madalas na sagot nia ay “kasi po Mommy makulit po ako”. O kaya naman ay “kasi po Daddy bad po ako”. Aware naman siya sa nagawa nia at pinaparamdam naming sa kanya na mahal na mahal pa rin naming siya kahit napapalo siya.

We just want siguro na lumaki ring disiplinado at marunong sumunod sa magulang.

Siguro sa part nating mga parents, pahabain pa natin pasensya natin at learn to control our emotions. Parenting is unique to every couple at we have different styles para palakihin ang mga anak natin.

After all, wala namang magulang na di minamahal ang kanilang mga anak di ba?

Published by dadi-G

A husband, dad of 2 boys, licensed nurse and a corporate employee who loves writing. Always eager to learn new stuff, ideas, skills, wisdom that will make me a "madiskarteng tatay".

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: