BREADWINNER KA BA? PAANO NA SILA PAG NAWALA KA?

Kung ikaw ang nagtatrabaho para sa pamilya mo at ang yong asawa ang nagbabantay sa mga bata, o kung ikaw naman ay wala pang anak at bukod tanging inaasahan ng pamilya para sa gastusin ng pamilya, aba’y mapapaisip ka kung pano na lang kung bigla kang mawala?

Di naman sa tinatakot kita, alam naman natin na lahat tayo papunta jan at para sakin, mas lamang kung ihahanda natin ang mga sarili natin at ang ating pamilya sa mga posibleng mangyari.

Mas lamang ang “handa” kesa sa nagpapawalang-bahala.

Ang tanong pano maging handa?

Maraming paraan pero ang pinaka common na paraan ay ang pagkuha ng life insurance. Ito rin ang paraang tinahak ko para masecure ko ang finances ng pamilya ko kung sakaling mawala ako (knock on wood, wag naman sana muna).

Pero isang malaking BABALA! Naglipana ang mga “Financial Advisors” ngayon at maraming mag-aalok sayo ng insurance. PAG-ARALAN AT PUMILI NG WASTONG LIFE INSURANCE DEPENDE SA PANGANGAILANGAN NG IYONG PAMILYA.

Anong insurance ba ang dapat kong kunin?

Una sa lahat, ang pagkuha ng life insurance ay depende sa pangangailangan ng isang tao at sabihin na rin nating kakayahang pinansyal. Eh kung kukuha ka ng insurance pero wala ka rin naman ibabayad ng premium, aba’y useless din.

Sabi ko nga, maraming klase ng insurance at ang pinaka common sa market ngayon na inooffer ng life insurance companies ay yung VUL or Variable Universal Life insurance. Eto daw yung hitting two birds in one stone kasi may insurance na may investment pa daw. Meron din naming mga traditional na insurance or yung mga “Term” insurance kung tawagin na para sa akin ay mas nami-meet ung financial goal ko. Eto rin ang insurance ko ngayon at mas kampante ako na eto kinuha ko in case yun nga, kunin ako bigla ni Lord.

First of all, I’d like to share na dati akong Financial Advisor from a reputable company (ung yellow company), I know kilala niyo sila. Narecruit ako ng tita ko and nagtake ng exam sa Insurance Commission then pinasa lahat ng requirements ni company to become a licensed one. Sabihin na nating pag di mo “passion” ginagawa mo, di ka mag eexcel dito at parang yun ang nangyari sakin. Ok naman sa una pero after quite some time, nawalan ako ng time at mas nagfocus sa ibang bagay, hanggang sa mainvalidate na license ko kasi wala naman akong naisasubmit na applications.

Going back, I highly suggest na pag-aralan muna ang mga klase ng insurance bago kumuha ng plan. Di biro ang premium na binabayad mo at dapat ay sulit in case na mangyari ang di inaasahan.

Wala akong ipopromote na type ng life insurance sa blog na to pero bibigyan ko kayo ng idea at ishashare ko sa inyo kung ano ang life insurance ko.

Currently, I have term insurance na binabayaran ko quarterly for Php 2557. So around 10k plus inaabot yearly. What do I get for 10k yearly? PURE PROTECTION. Wala tong investment linked or after some time wala ako makukuha ni sinkong duling.

Bakit ako gumagastos ng 10k yearly for insurance? Simple lang, pag namatay ako, may makukuhang 1M (x2) so 2M, ang pamilya ko kung sakaling mawala ako. Sapat yun at sobra pa para mabayaran existing loans ko (bahay at sasakyan). Mawala man ako, atleast di mababaon sa utang mag iina ako at sigurado ako na may perang susuporta sa knila kung sakaling mawala ako. Take note every 5 years, tumataas ng kaunti ang premium ko and  that’s normal.

Para magkaroon kayo ng idea kung ano mga klase ng insurance, start doing your research. Maraming information sa internet. Also, I have created a simple pdf to discuss types of insurances. Check niyo sa Gallery nitong website.

Kung may questions, try to comment down below and I will try my very best to answer any of your questions.

Keep reading my blogs guys.

Marami pa akong ishashare na ideas sa inyo na I’m sure kapupulutan ng aral….

Published by dadi-G

A husband, dad of 2 boys, licensed nurse and a corporate employee who loves writing. Always eager to learn new stuff, ideas, skills, wisdom that will make me a "madiskarteng tatay".

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: