NAGSIMULA KAMI SA WALA, HANGGANG SA NAGKA-SASAKYAN, AT NGAYON SARILING BAHAY

“Mas ok na magsimula sa wala at magsikap para bumangon, kesa magsimula ng meron at bumagsak ng walang wala!”

 Sanay ako sa hirap kasi lumaki ako sa hirap eh at eto yung bagay na ayaw kong maranasan ng mga anak ko at ng pamilya ko.  Bilang tatay, sinabi ko sa sarili ko na magsisikap ako para mabigyan sila ng maginhawang buhay.

Sa pinakauna kong blog, “Tatay ka na ba?”, ay naishare ko kung pano at anong edad ako nag-asawa. Sabi  ko nga lakas ng loob lang ang puhunan ko that time. Wala akong ipon. As in wala. Ang meron lang ako ay trabaho, at yun lang naging sandata ko para buhayin pamilya ko. After ko grumaduate nung 2008, nagtake ng boards, pumasa at naging RN, nag-work sa BPO ng almost a year, nag decide magpractice sa ospital by 2011 sa province namin dito sa Bicol. Almost 3 years din ako sa ospital at ang sahod ko lang as staff nurse ay 6.5k, then naging 7k at naging 12k nung naging Head nurse ako.

Malaki ba ang 12k? Kung single ka pwede na pero kung may anak ka, malamang kulang na kulang. Isa yun sa dahilan bakit ako nag decide na maghanap ng ibang trabaho kasi nung 2013 ay nabuntis ko girlfriend ko, nagpakasal kami at nagka-anak by 2014. 2013 nung bumalik ako Manila at nahire sa isang BPO company. More on data processing na walang calls. Hinding hindi ko malilimutan na during that time, struggle is real talaga.

Namuhay kami from paycheck to paycheck. Yung sahod ko ay sapat lang para tustusan mga basic needs at konting wants kumbaga. Eh kung ganun paano ako bumangon? At after almost 5 or 6 years eh nakapag pundar kami.

Simple lang sagot.

I EDUCATE MYSELF!!!

Anong education eh kakakwento ko lang na graduate na ako at pasado ng board exam?

When I say education, eto yung tinatawag ko na “financial education”.

So paano nga?

Di ko malilimutan na isang araw, habang nagpapaantok ako galing graveyard shift at matutulog na, nagfacebook muna ako. Basa basa, scroll ng scroll, nakikichismis sa kaibigan, then all of a sudden eh nagappear sa newsfeed ko si Karen Davila, at may iniinterview siyang lalake. Kung di ako nagkakamali, that was ANC channel at andun si Robert Kiyosaki. Pinanood ko yung video clip na yun nung interview niya at dun ako nagsimulang maintriga.

Si Robert Kiyosaki ay author ng best selling book na Rich Dad Poor Dad at eto ang nagmulat sakin pagdating sa mundo ng “financial education”.

Mga beshy tamad akong magbasa ng libro pero nung sinimulan ko basahin libro niya, dun ko mas naiintindihan ang mga bagay bagay patungkol sa usaping pera. Bumili ba ako ng libro nia? HINDE. Nagsearch lang ako sa google ng free ebook na pdf version ng Rich Dad Poor Dad tapos dinownload ko, sinave ko sa phone ko, at binabasa ko siya habang papasok sa trabaho or pauwi galing sa trabaho.

“Eye opener” talaga para sakin ang librong ito at I highly suggest basahin niyo siya. Kung gusto niyo ng copy, kontakin niyo lang ako. Haha. Sendan kita pdf copy.

Karamihan sa atin eh tamad magbasa ng libro kasi ang  kumplikado ng mga salitang ginagamit, masyadong teknikal. Pero sa librong to, madali siyang intindihin at maunawaan. Pinaliwanag niya dito ang apat na klase ng tao base sa pinansyal na aspeto. Mas naunawaan ko rin dito kung ano ang pagkakaiba ng asset at liability. Eto ang dapat natin mas maunawaan, ang kahalagahan ng pag identify ng difference ng asset at liability. Masyadong hahaba ang blog na to kung ididiscuss ko pa sa inyo ang mga iyan. May ginawa akong summary, paki check na lang sa “Learnings” ng website na to basahin mo ung “Understanding the Basics of Money”.

Going back to my story, hindi lang isang libro ni Robert ang nabasa ko. Natuwa akong magbasa ng libro na may kinalaman sa finances. At syempre, walang kwenta ang binasa mo kung di mo naman i-aapply. Nagsimula akong baguhin ang lifestyle namin. Kinausap ko asawa ko, pinaliwanag ko sa kanya mga natutunan ko at paunti-unti, binago namin lifestyle namin. Kung dati rati, kapag may sobrang pera eh iniipon namin para gastusin sa walang kwentang bagay like gadgets, pasyal, travel, etc. Ngayon, sa tuwing may sobrang pera like 13th month or annual company bonus ay tinatabi na namin at nag iisip pa kami ng paraan pano pa mapapalago ito. Kung dati rati puro waldas at palabas ang pera, ngayon ay may pumapasok at bumabalik na. May napapaikot na kumbaga.

Tulad ng ibang pamilya na nagsisimula pa lang, minsan din akong nangarap na magkaroon ng sariling sasakyan at sariling bahay. Naniniwala ka ba sa power of mind? Na kung anong itanim mo sa isip mo, at paulit ulit mong isipin, yun ang magmamanifest sa reality? Nabasa mo na ba ang law of attraction? Kung hindi ka naniniwala, pwes ako na ang nagsasabi sayo, totoo ang power of mind at ako mismo ang magpapatunay niyan.

Pero syempre, di lang yan basta iisipin mo lang then in an instant eh matutupad na agad mga kahilingan mo. Kailangan yan samahan ng gawa, hardwork, tamang diskarte at taimtim na panalangin.

“Blessings are everywhere, you just need to grab them” – Bo Sanchez

Nauna kami magkaroon ng sariling sasakyan nung 2017, second hand lang siya pero makinis pa at di pa laspag. That time, 2 na anak ko at 5 months na ang bunso ko. Not to brag pero nagkaroon kami ng sasakyan ng wala ako masyadong nilabas na pera. Posible ba yun? YES. Kailangan mo lang ng tamang diskarte.

Legit na diskarte ha hindi yung tipong kapit sa patalim ang peg. Till now, I have the car which is Honda City 2009 model. Well just to give you an idea, di lang naman sa mga dealerships or foreclosed vehicles ang option mo.  If you know someone na maraming sasakyan at gusto ng ibenta iba niyang sasakyan, you can make a proposal, a car loan agreement, then make a presentation. Terms and conditions ay depende sa inyong dalawa basta make sure lang na win-win situation yan sa both of you. Take note, nung inacquire ko si sasakyan, I make sure na di nito maapektuhan ang monthly budget namin at di to magiging liability. Posible ba, oo naman, sa tamang diskarte.

Fast forward, after 3 years, ang pagkakaroon naman ng sariling bahay ang naging next project or priority  ko. At the age of 32, I am proud to say na we have our own house and lot na. I know common na sa ganyang edad ang magkaroon ng sariling bahay, as long as you have a stable job, it’s easy to apply for a housing loan sa PAGIBIG or other financial lending institution like banks. Research sa internet, hanap ng magandang location like Cavite, Laguna, Pampanga, etc. Once naapproved, pay the downpayment or equity na usually 10-30% ng presyo nung bahay. Then yun, may bahay ka na. Pwede ng makalipat.

My journey is a little different. Nagkabahay kami pero not from a developer or sa mga magagandang village ko inacquire. Yung samin ay pinagawa ko at ako mismo nag asikaso from land titling, plan, start ng construction, bili ng materials, building permits, pagpapakabit ng kuryente at tubig, at kung ano-ano pa. I decided to settle sa province here in Bicol considering mas mababa ang cost of living. So pano yung trabaho ko kung sa probinsya naman pala ako nagpagawa ng bahay? Good thing my current company offers home-based option for their employees provided you have a stable internet connection at compliant ka sa ibang HR and IT related requirements. All year round ng 2019, andami kong learnings na gusto kong ishare sa inyo sa mga succeeding blogs ko. After maasikaso yung biniling lupa, nag start ang construction ng bahay ng around last week ng September. After 2 months tapos na siya then finishing touches na lang by December. I moved to being home-based last December 2019 and that time din ay lumipat na kami sa sarili naming bahay.

Marahil ay nagtataka kayo san ako kumuha ng pera pang gastos sa lupa at construction ng bahay. Di naman ako ganun kayaman para magkaroon ng ganun kalaking ipon. Sabi ko nga tipikal na empleyado lang ako, di ako tipong managerial level. My wife also eh full time mom so di kami ganun kapera. Ang budget ko for the house and lot ay 1.3M. So san ko kinuha yang pera na yan? Syempre nag loan ako pero hindi sa pagibig at di rin sa banks. Pinairal ko ang tamang diskarte, look for a private individual, made a presentation, then secure the loan agreement. Considering the amount, syempre dapat legit at legal ang agreement. Siguro sa succeeding blog, if you want to learn more about the diskarte that I used, pwede ko rin ishare sa inyo yn.

Yung mga diskarteng ginawa ko before ay pwede ko ishare sa inyo to give you ideas. Ideas na makatutulong para magkaroon tayo ng sarili natin property. Mga diskarteng tipong pasok sa budget, di ka masstress masyado kasi alam mong kaya mong bayaran.

Di ko sinulat ang blog na to para magyabang or inggitin kayo. Nasulat to para iinspire kayo. Sabi ko nga, normal na empleyado lang ako gaya mo. Pinairal ko lang ang tamang diskarte. Kung nagawa ko, alam kong kaya mo ring gawin.

Sa pagkakataong to, may mga gusto pa akong marating like makapagpundar pa ng ibang property. Makabili ng lote at magpatayo ng apartment or commercial building, build my own business, serve the community at kung anu-ano pa.

Di ako magsasawang ishare sa inyo ang mga yan. Kaya abangan niyo pa mga susunod kong blogs.

Hanggang sa muli. Keep safe mga katatay, God bless you and your family.

Maraming salamat sa oras na binigay mo para basahin to.

Adios…..

Published by dadi-G

A husband, dad of 2 boys, licensed nurse and a corporate employee who loves writing. Always eager to learn new stuff, ideas, skills, wisdom that will make me a "madiskarteng tatay".

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: