5 LIFE HACKS (este) LESSONS NA I WISH NATUTUNAN KO NG MAAGA

Kain, tulog, laro, pasok…. Ang sarap maging bata diba? Yan lang gawa natin nung tayo ay musmos pa at I’m sure mag aagree ka at alam kong lahat tayo dumaan sa stage na yan. Eto yung mga panahong di pa natin nami-meet si “stress”. At ang sarap sarap sariwain ng mga alala ng ating kabataan.

Ngayong may edad na ako at may sarili ng pamilya, may mga bagay na narealize ko na sana ay nalaman ko at natutunan ko ng maaga.

In this blog post, I will share with you the 5 valuable lessons na I wish natutunan ko ng maaga. I hope you can relate and I hope may matutunan na din kayo kahit konti.

#5 PAGLULUTO or COOKING

Nung bata pa ako, di ako masyado na expose sa pag luluto, madalas nanay or tatay ko ang nagluluto sa bahay at di ako nagkaroon ng interes para matuto kahit yung mga basic na ulam lang. Ang alam ko lang ay magsaing. Nung nagbinata naman ako ay inaral ko ang pagprito at basic na pagluluto tulad gisa gisa.

Pero nung nagkaroon na ako ng sariling pamilya, dun ko mas naunawaan ang kahalagahan ng pagluluto. Bakit kamo?

Aba’y simple lang, isa sa pinakamahirap na tanong na araw araw kong kailangan sagutin ay “Ano kayang ulam namin?”. At kung pareho kayo di marunong magluto ng asawa mo, magugutom ang pamilya niyo. So ayun nga, nung nag asawa ako at nagka anak, wala ako alam masyado sa pagluluto. That’s the time na natuto ako at talagang inaral ko kung paano mag luto. Andyan naman si Kuya Banjo Merano ng Panlasang Pinoy, isang search lang sa kanyang page sa youtube at I’m sure kaya mo ng lutuin ang ulam na gusto mo.

Kaya kung ikaw ay nagpaplanong mag-asawa at magkapamilya in the near future, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sayo na mag aral ka ng magluto kahit pakonti konti lang para sa future, prepared ka na sa tanong na “Daddy ano ulam natin?”.

#4 DRIVING or PAGMAMANEHO

Kung isa kang tatay, isa to sa mga skills na dapat alam mo. If you have the chance to experience and learn how to drive ng mas maaga, I mean during teenage days mo, grab it. Later in life, you will realize na buti na lang marunong akong mag drive. Mas ok kung marunong ka sa 2 wheels at 4 wheels.

Sino ba naman ang ayaw magkaroon ng sariling motor or kotse diba, syempre lahat tayo nangangarap magkaroon niyan at pag may sarili ka ng pamilya, masarap sa pakiramdam na nadadala mo sila sa mga lugar na gusto niyong pasyalan.

#3 READING BOOKS

Tamad akong magbasa. Literal. Nagbabasa ako ng libro at nag aaral kapag may exams lang. In short, academic books or librong pang school lang ang talagang nababasa ko. I was thinking enough na ang learnings na nakukuha ko sa school. Ang goal ko lang naman talaga ay maka graduate at maka secure ng magandang trabaho para masuportahan pamilya ko.

Not until nung mag asawa na ako at naranasan ang stress ng pamilyadong nilalang. Dun ko narealize na ang totoong wisdom ay hindi natutunan sa eskwelahan.

Nagsimula muna ako sa pagbabasa ng mga articles about family, relationships, finances, etc. Then nagtry sa mga ebooks. Search lang kay uncle google then download ng pdf version para handy. Habang nagccommute papasok ng trabaho ay pwedeng magbasa. The very first book na binasa ko ay ang famous na Rich Dad Poor Dad ni Robert Kiyosaki. Eye opener sakin ang librong to at dito ko natutunan ang isa sa napaka importanteng aspeto ng ating buhay, ang aspetong pinansyal.

#2 MAKE A LOT OF FRIENDS

Normal naman satin ang magkaroon ng kaibigan at wala naman sigurong tao na ayaw magkaroon ng kaibigan. As we age, we meet a lot of people and gain friends. Pero ano nga ba ang ibig ko sabihin sa make a lot of friends?

Don’t be like me. Tipong suplado, hindi pala- kaibigan, kung di mo ko kakausapin ay di rin kita kakausapin. Suplado sa personal ika nga nila haha. Pero syempre di naman ibig sabihin nun ay wala akong kaibigan, sadyang di lang ako ung taong super friendly. Dahil jan, di ko masyadong nadevelop ang interpersonal skills ko. Di ako ganun kagaling mag entertain ng tao. Wala namang masama kung di ka pala kaibigan at tahimik kang tao, ok lang yn. Yun nga lang, para sakin eh bentahe mo kung magaling kang makisama sa mga taong nakapaligid sayo. Tipong perstaym mo pa lang mameet ay close na kayo agad.

Sabihin nating in the future ay plano mong magtayo ng isang negosyo. Kung during early years mo, nadevelop mo na agad etong skill na to na tipong ang galing galing mong makipag usap sa tao at mambola in a positive way ha, advantage mo yan kasi madali na lang sayo paramihin ang mga customers or clients mo.

Learn how to deal with people at your early age, aralin mo yung tinatawag nilang “pakikisama” kasi di yan tinuturo sa anumang eskwelahan.

#1 MAG SAVE PLUS MAG- INVEST

Basic na lang para sa atin ang konsepto ng pag-iipon or saving. Kahit nung mga wala pa tayong trabaho, I’m sure naranasan mo ng mag-ipon. Trying to save some of your allowance kasi may gusto kang bilhing item. Naalala ko nung highschool pa ako, nagbabaon ako ng kanin para makatipid. Lokohan samin ang salitang “pogi sana may baon lang”. Haha. Pero di lang naman ako ang nagbabaon, grupo kami na may baon lahat at sabay sabay kami kumakain. Going back, ginagawa ko to para makatipid at mabili ko ang gusto kong damit or pantalon or anuman.

See, halos lahat satin naranasan na ang mag ipon pero ang mag invest, I doubt. Hindi natutunan sa school ang investing at kung meron man, more on theory and concepts lang. Sa totoong buhay, maraming tao ang hindi nauunawan ang salitang ito at kadalasan, pera agad ang naiisip natin pag narinig natin ang salitang ito.

Well totoo naman na investing relates to money at napakaraming investment options ang available sa atin today kung aaralin lang natin. Anjan ang most common na paper assets like stocks, bonds, mutual funds, UITF, etc. Pwede rin naman physical assets like gold or real estate or pwede rin in a form of business. Kung ano mang klaseng investment yan, lahat yan ay dapat inaaral muna natin bago natin pasukin.

Nung nagkatrabaho ako at single pa, wala akong alam sa investment. I just save a portion of my money then that’s it. I didn’t know how to grow it. Not until nung nagka-pamilya na ako. Eto yung mga panahon na mas naappreciate ko si investments. Nameet ko si stocks, mutual fund, UITF, etc. Eto yung natutunan ko ang importance ng investing and how to grow your money even more.

I learned sa isang finance guru na money is energy and energy is money. You have to keep your money flowing. You have to keep it moving and the way to do it is to invest it in something for you to gain profit. Don’t just sit your money in the bank. Learn the different investment opportunities out there. Yan ang sekreto kung bakit ang mayaman ay lalong yumayaman. At habang bata ka pa at wala pang masyadong responsibilities, better educate yourself and start investing now.

So to wrap it up, those are the list of my most valuable lessons in life na I wish nalaman or natutunan ko ng maaga. I hope you learn something from it and naka-relate kayo ng konti at sana ay makatulong na din at magbigay sa inyo ng ideas that might be helpful in the future.

Keep safe everyone…

Kita kits sa susunod na blog.!

Published by dadi-G

A husband, dad of 2 boys, licensed nurse and a corporate employee who loves writing. Always eager to learn new stuff, ideas, skills, wisdom that will make me a "madiskarteng tatay".

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: