MALALA ANG AWAY NAMIN NI “MESES” NGAYON!!

Malala ang away namin ni “meses” ngayon. Sobrang sama ng loob niya sa mga nabitawan kong salita. Bakit kamo?

Kasi etong si kuya mo ay nagbitaw ng salitang “lumayas ka dito sa bahay ko”.

Ayun, ilang araw din kaming di nagpapansinan at di nag-uusap sa bahay.

Ooopppss pero bago ka mag-react, eh ating pagkwentuhan ng kaunti bakit umabot sa ganyan at syempre ano ba yung mga natutunan ko dito.

TARA simulan natin…

Tulad ng ibang pamilya at buhay may asawa, normal lang naman ang magkaroon ng di pagkakaintindihan paminsan minsan. Imposibleng di kayo mag-away mag asawa. Kailangan niyo yan para mag grow pero di ko sinasabing mag away kayo para mag-grow as couple. Ang punto ko eh pagdadaanan at pagdadaanan niyo ang mga sitwasyong ganyan.

Madalas simpleng dahilan lang kaya kayo nag-away pero minsan may mas grabe at matinding dahilan. Etong away namin ngayon, simple lang naman. Ganito kasi yan. Dahil mainit ngayon at summer, nag-decide bumili ng swimming pool si “meses” thru online sellers. So ayun, tuwang tuwa ang aking kiddos (2 boys na malilikot at makulit).  Then si bunso ko ay umiyak kasi may gusto siyang kunin laruan yata, ayun nilapitan ko, then iyak pa rin siya ng iyak, hanggang sa narindi na ko sa iyak niya. Inalis ko na muna siya sa swimming pool at pumasok siya sa loob ng bahay. Nakita ni “meses” na papasok ng bahay si bunso at sinabihan niya na ko na alalayan at baka madulas kasi galing ng pool eh basa ang paa. Kaso sa sobrang pagka bugnut ko, di ko na nagawang alalayan anak ko at pumasok siya ng bahay at dumerecho sa nanay niya na para bang madudulas na kasi nga basa ang paa then tiles ung sahig ng bahay. Dun nagsimula uminit ang ulo ni meses, di ko daw inalalayan ang bata at kung nadulas daw ay kasalanan ko. Nagkasagutan kami ng konti, tapos since nasa labas ako kasi nasa may garahe yung pool at sinisilip ko din yung isa ko pang anak na naliligo, ayun, sa sobrang inis niya ay sinaraduhan niya ako ng pinto ng bahay. Dun mas uminit ulo ko kasi kung gusto ko na pumasok sa bahay ay di ko na magawa kasi nkalock mga pinto. Ilang minuto din akong nagkakatok saka niya ako pinagbuksan. Sa sobrang inis ko, kung ano-ano ng lumabas sa bibig ko at kasama na run yung pinalalayas ko siya sa bahay ko. Ang nasa isip ko nun, sarili kong bahay di ako makapasok kasi ni-locked niya mga pinto aba’y mali yun. Yan na ang simula ng kalbaryo. Haha.

Una sa lahat, aminado akong mali ang nagawa ko. Maling mali na magbitaw ng ganung salita sa asawa mo.

Ilang araw din kaming di nag uusap. Magkasama kami sa bahay pero nilalagpasan niya lang ako.

Ang kinakausap niya lang ang yung 2 kong anak. Dahil mainit mga ulo namin pareho di talaga kami nagpapansinan.

On the fourth day ng away namin, medyo lumamig na ulo namin. Na-realized ko din na mali ako, sa mga nabitawan kong salita kaya pakonti konti nag sorry ako sa kanya. Dahil di niya ko pinapansin at di kinakausap eh dinaan ko na lang sa facebook messenger ang pagso-sorry.

Dahil masama pa rin ang loob niya, di niya pa rin ako pinapansin, hanggang sa isang araw, lumambot na rin siya.

Nagkausap na kami. Nagkalabasan ng sama ng loob. Hanggang sa tuluyang magka-ayos.

Ang simple lang naman ng dahilan diba pero ilang araw din kaming apektado.

So what’s the catch sa kwento? Anong natutunan ko?

Una sa lahat, be careful sa mga salitang bibitawan natin sating mga asawa. Wag na wag kang magbibitaw ng salitang “layas” or “umalis” sa pamamahay niyo.

Iba ang epekto sa kanila ng mga salitang yan.

Alam ko basic yan at dapat eh matic na alam na natin pero aminado akong di ako perpekto at dala ng emosyon, makakagawa ka ng bagay na di mo inaasahan.

Pangalawa eh syempre, ikaw ang mag take ng 1st step para magkaayos kayo. Madalas lalake ang nagso-sorry sa mga awayan. Di naman nakakabawas ng pagkalalake yan eh. Mahirap nga lang gawin kasi kailangan mong magpakumbaba at ibaba si pride mo.

Mahirap gawin? Medyo. Pero kailangan natin din balansehin ang mga bagay bagay, mas maging mature at mag-move on at syempre itatak sa isip mga maling nagawa para di na maulit.

At the end of the day, nasa inyong mag-asawa ang desisyon kung paano niyo ihahandle ang relasyon niyo. Malaking bagay talaga ang communication. Pag-usapan ang mga bagay-bagay. Magpakumbaba. Ibaba ang pride wag puro panty ni misis ang gustong ibaba.

Ang motto ko, MAG-AAWAY LANG PERO DI MAGHIHIWALAY!!!

Oh siya hanggang dito na lang muna. Abangan niyo ang mga susunod na blogs natin.

Salamat at stay safe guys…

Published by dadi-G

A husband, dad of 2 boys, licensed nurse and a corporate employee who loves writing. Always eager to learn new stuff, ideas, skills, wisdom that will make me a "madiskarteng tatay".

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: